Bookmobile Library bumisita sa Pablo M. Piatos Sr. Integrated School

By admin_citylib

Patuloy sa pag-arangkada nang DCLIC Bookmobile Library sa paghatid nga serbisyo sa mga kabataan sa lungsod ng Dabaw. Noong ika-sampu ng Nobyembre taong kasalukuyan, binisita ng Bookmobile Library ang Pablo M. Piatos Sr. Integrated School sa Barangay Sta. Cruz, Bunawan.

Dala ang mga piling aklat, nagdaos ng bookmobile tour ang DCLIC upang bigyang pagkakataon ang mga kabataan na maranasan ang isang silid-aklatan sa isang bus. Bukod pa rito, naghandog rin ng kwento ang mga tauhan ng bookmobile library para sa mga bata mula kinder hanggang grade 3. Dagdag pa ang educational film showing para sa mga bata.

Di lamang mga aral galing sa mga aklat, nagdaos rin ng Disaster Preparedness and Awareness Orientation ang grupo upang magbahagi ng praktikal na kaalaman sa mga bata pati na rin sa mga guro. Kalahok sa aktibidad na ito ay ang mga mag-aaral sa hayskul at elementarya. Sa huli, naging matagmpay ang aktibidad at kitang-kita sa mga mata ng mga kabataan ang tuwa sa bagong karanasan at aral na kanilang natutunan.